Monday, December 30, 2013

Mga Inspirasyon sa paglalaro ng Volleyball

Ang larangan ng sports ay naging parte na ng buhay ng mamamayang Pilipino, na naging silbing libangan ng mga nakakaraming Pilipino, at hindi lamang ito sa ating bansa, kung di buong mundo. Isa sa mga popular na sports ngayon sa ating bansa, ay ang Basketball kung saan maraming mga Pilipino ang nasisiyahan sa tuwing sila'y nanonood. Kung mapapansin mo ang kilalang liga dito sa ating bansa ay ang PBA League, kung saan marami ang Pilipino ang nanood o di kaya matunghayan ang kanilang mga idolo.Mapapansin mo sa tuwing ika'y manonood maraming mamayang Pilipino ang may sari-sariling paboritong manok o koponan sa liga.

Pero hindi lamang ang Basketball ang ngayong kilalang sports sa ating bansa. Nadyan ang Volleyball, kung saan umusbong ang pagsikat na naturang sports, marami na din ang mga taong nanonood upang matunghayan nila ang kanilang paboritong koponan o di kaya ang kanilang mga idolo  na nagsilbing inspirasyon sa kanila. UAAP Women's Volleyball ang naturang liga na kilala sa atin ngayon, kung saan mga kakabaihan ang nagpapakita ng kanilang kalakasan sa mundo ng sports. Isinulat ko ito dahil gusto ko ilabas ang aking saloobin sa naturang sports o kaya ay aking naging karanasan.


Kung ako tatanungin niyo, kung ano ang aking paboritong koponan sa UAAP Women's Volleyball?Isa sa aking paborito o nagsilbing inspirasyon ko sa paglalaro ng volleyball ay ang DLSU Lady Spikers, sinimulan ko sila maging isang inspirasyon noong sinubukan kong manood sa telebisyon ng Volleyball. Pero noong unang-una na ang aking napapanood ay ang Shakey's V-League tuwing sasapit ang tag-init, sinumulan ko ito panooring dahil libangan lamang at may bago lang ako panoorin. Hindi ko namalayan na  dinala na pala ko ng aking isipan na maglaro ng volleyball hanggang sa mapanood ko ang UAAP Volleyball, kung saan nakita ko ang koponan ng La Salle at kalaban nila ang UST noong First Round Elimination ng UAAP Season 75, simula noon doon ko na sila sinimulan panoorin at maging inspirasyon. Dati ayaw ko pa sa Volleyball, dahil nga takot ako sa bola, pero noong sinubukan ko ito noong first year ako, masaya naman pala at masarap laruin. 

Simula noong napanood ko ang UAAP Volleyball, lalo na ang La Salle, doon ko sinabi sa aking ina, na gusto ko matuto ng volleyball at maging manlalaro nito. Lagi ko nga sinasabi sa kanila, na gusto ko maging katulad nila Mika Reyes, Ara Galang at Abi Marano , na isa sa mga miyembro ng Lady Spikers, Isa sila sa mga naging inspirasyon ko at idolo hanggang sa kasalukuyan at kung bakit gustong-gusto ko maging manlalaro ng Volleyball. Naging inspirasyon ko sila dahil, makikta mo ang tunay na manlalaro o pagiging atleta ng Volleyball, tulad ng pagiging matapang nila at palaban sa loob ng court tuwing sila ay may laban. Hindi sila mayabang at lagi silang humble sa kanilang sarili. Sabi nung mga iba ay mayabang sila pero ang totoo ay hindi, kasi sa aking napapansin siguro natural na iyon ang pag-aangas sa loob ng court, dahil parte na yun ng laro. 

At dahil, sa sobra kong paghanga sa kanila, pinilit ko ang aking ina na makapanood last year na kanilang laro, pero sa kasamaang-palad naubusan na kami ng ticket. Kaya noong nakaraang December 8, 2013 Sunday, natunghayan ko ang kanilang laban sa pagitan ng UST. Tuwang-tuwa ako dahil sa unang pagkakataon nakita ko na aking mga idolo sa larangan ng Volleyball.

The DLSU Lady Spikers at San Juan Arena (12/8/13)

Kung sa indibidwal naman ang aking paboritong manlalaro at naging silbing inspirasyon sa akin, ay si Ate Abigail Marano. Makikita mo sa kanya ang kumpyansa sa sarili, at hindi basta-basta pagsuko, kaya nga ang kataga sa kanyang mga tagahanga niya ay "Never say no to Abi Marano". Mapapansin mo din kay Ate Abi ang pagiging magaling at mabait na lider niya sa team, makikita mo talaga ang tunay na pagiging leader hindi lamang sa loob at labas ng court. Makikita mo din kay Ate Abi ang pagiging humble at palakaibigan sa kapwa manlalaro niya. Kaya ko siya naging idol dahil lahat ay nasa kanya ang tunay na ugali ng manlalaro. Pero gragraduate na si Ate Abi sa darating na March, nakakalungkot nga lang dahil mamimiss ko sa kanya ang pagiging maangas niya sa loob ng court. Ang pagiging tunay na lider, at ang mga kanyang mga malalakas na palo at block sa bola.

Abigail Marano ( Credits mula sa spin.ph)

Hindi lamang isa ang aking idolo mula sa Lady Spikers, Ang susunod na aking idolo ay si Ara Galang. Naging idol ko siya at inspirasyon sa paglalaro ng Volleyball, dahil sa tuwing siya ay pumapalo ng bola ay nagpagkalakas. Hindi lamang siya ay magaling pumalo ng bola, masasabi ko siya ay pang all-around player dahil sa lahat ng departamento ng volleyball ay magaling siya, mapapunta man sa digging, attacking, blocking, at serving. Isa din sa aking mga nagustuhan kay Ate Ara, ang pagiging humble niya sa loob ng court, sa tuwing siya ay nakakapuntos sa kalaban, lagi siya ngumingiti pagkatapos makapuntos. Makikita mo sa kanyang mga mata ang determinasyon ang mapanalo ang bawat panalo. Kung sa labas ng court si Ate Ara, ay isang palakaibigan na manlalaro, wala sa kanya kung saanman nagaling na unibersidad. 

The Rookie to MVP, Ara Galang.  (Credits mula sa may-ari)
Sa aking susunod na idolo, ay si Mika Reyes, isa siya sa mga idolo at inspirasyon ko pagdating sa paglalaro ng volleyball. Isa siya sa maraming mga tagahanga, dahil sa kanyang galing maglaro ng volleyball. Masasabi ko si Ate Mika ang magaling sa blocking ngayon sa liga, UAAP Season 76, kasama si Ate Abi. Isa aking mga nagustuhan kay Ate Mika ay kanyang angas sa loob ng court dahil sa tuwing siya ay nakakablock o nakakapuntos lumalabas ang kanyang angas o swag. Mapapansin mo ang pagtitiyaga ni Ate Mika at pagpupursigi upang manalo sa bawat laro. Sipag at tiyaga.

The Cutest Volleyball Player, Mika Reyes. ( Credit to Ms. Tin Benito)

Marami ng mga kabataan ngayon ang naging inspirasyon ang koponan ng Lady Spikers. Syempre kasama na ako doon. Makikita mo sa kanila ang tiyaga, pagod at kumpyansa sa sarili. ANIMO!








Sunday, December 29, 2013

Sana, Abo't Kamay ang mga Pangarap!

Marami na tayo nababasa na mga artikulo tungkol sa mga  "Pangarap", iba-iba ang kanilang mga hangarin o prinisipyo sa kanilang buhay, May mga iba't ibang paraan sila ng paglikha o paglalahad ng kanilang damdamin tungkol sa kanilang buhay o di kaya sa kanilang pangarap o hangad. Di kaya, mababasa mo o makakatunghay ka ng blog kung paano nila naabot ang kanilang pangarap at kung nasaan na sila ngayon. Minsan pa nga makakapulutan mo ng mga aral sa buhay, naabot nila ang kanilang aral dahil sa kanilang pagtitiyaga at pagsisikap.

Sabi ka ng aking pinakamamahal na Ina, maabot mo ang iyong pangarap kung magsisikap at pagtatrabahon ito mo ng maigi, dapat hindi lang lagi ikaw ay nakaupo at tatamad, dahil walang mangyayari sa buhay mo. Lagi ko naman ito itinatanim sa isip ko, ngunit minsan may mga panahon akong nakakaramdam ng kabiguan.

 Isinulat ko ito dahil gusto ko ihayag, ang aking pakiramdam tungkol sa aking mga pangarap. Gumawa ako na-blog upang magbigay ng opinyon o isulat ang aking nararamdaman, hindi ko ito ilalahad ng may pagmamayabang, kung saan isinulat ko ito ng may buong puso.

Bago ko ito simulan, nais kong magpakilala sa inyo, Ako si Sophia o mas kilala sa tawag na Phia, ako ay labintatlong gulang. Alam ko masyado pa akong bata upang maglahad o gumawa ng mga artikulo, hindi naman masama kung ito ay aking susubukan, dahil nakikita ko naman itong masaya at makakatulong sa akin. Nahiligan ko ito dahil alam ko nakakatulong ito sa akin upang mas paintigin ko pa ang paggawa ng mahahabang pangungusap o makatuklas ng bagong malalalim na salita. Sa ngayon, ako'y nag-aaral sa pribadong paaralan sa Dasmariñas, Cavite, ikawalong baitang, sa Saint Francis Academy La Salle Greenhills Supervised. Isa sa aking mga pangarap ay maging isang volleyball player pagdating ng kolehiyo, pero sa naturang kurso, hindi ko pa naiisipan kung anong kurso ang aking kukuhanin pag ako ay nag kolehiyo masyado pa akong bata upang mag-isip ng kurso dahil ilang taon pa ako sa secondarya. Marami pa ako maiisip na kurso na pwede sa akin, Pero pangarap ko din maging isang negosyante,tulad ng kursong "Entrepreneur", Isa din sa aking mga pangarap ang mag patayo ng sariling kainan o restaurant o di kaya ay pastry shop, ito kasi ang isa kong mga pangarap na makapagpatayo ng cake o di kaya ng cupcake shop, ito din kasi sa mga pangarap ng nakakatanda kong kapatid, na makapagnegosyo ng pastry shop. Ito din kasi ang mga libangan ngayon ng aking pinakamamahala na Ina, kaya pag ako'y nakapagtapos sa pag-aaral iaalay ko ito sa aking ina, ang pastry shop business.

Hindi lang ang pangarap ko ay ang pagiging businesswoman, dumating din sa aking isipan ang pagiging sundalo o piloto, o di ba babaeng sundalo! nagugulat nga aking mga kamag-aral, magsusundalo ka? Tila gulat sila sa aking pangarap sapagkat ang isang babae ay magsusundalo, minsan pag sinasabi ko ito,  tatanungin ako ng mga kaibigan ko o kamag-aral Seryoso ka magsusundalo ka?, minsan nga tatawanan pa nila ako, pero sa isip isip ko, bakit ba? Ito ang aking pangarap, makakatulong naman ako sa ibang tao. Ito ang aking pangarap simula pagkabata, sapagkat gusto ko makatulong o magbigay serbisyo sa tao. Nasisiyahan nga ako sa tuwing may mga eroplano nagpapalipad sa himpapawid.  Isang araw, sumagi  sa aking isipan na, paano kaya kung ako yung nagpapalipad ng eroplano. Siguro madadala ko na ng libre ang aking mga magulang at kapatid sa ibang bansa o di kaya maipasyal ko sila sa magagandang lugar.
Pero teka-teka, nagbago na nga ang aking pangarap, tila mas gusto ko yata maging isa sa mga kilalang entrepreneur sa ating bansa, pero matagal pa iyon mangyayari.Sa ngayon, kailangan ko munang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng mataas na grado o marka sa eskwelahan.

Naging inspirasyon ko sila mama at papa, sapagkat, magandang halimbawa sila sa akin. Kahit ano man dagok ng buhay, mga problema, nalalagpasan nila ito. Nakikita ko sila kung paano sila naghihirap sa tuwing sila ay nagtratrabaho upang mapag-aral lang kami sa magandang eskwela, kung kaya't ang paghihirap nila ay naging silbing inspirasyon ko upang maabot ang aking mga pangarap at magpursigi sa pag-aaral. Mga bawat sambi't ng mga salita ng aking ina lagi itong itinatatak sa aking utak na kailangan ko makapagtapos ng pag-aaral dahil ito ang aking paaran upang masuklian ang mga dugo't pawis ng aking mga magulang sa pagtratrabaho upang makapag-aral kami ng maigi. Kaya nga kanilang paghihirap ay nagsilbing inspirasyon ko, kung bakit nila ito ginagawa para sa amin. 

May mga napanood na din ako ng katulad nito, ganitong storya, doon ko nakapulutan ng aral. Kung saan pamilya din sila. Sabi nga ng iba maganda daw dumaan ang bata sa paghihirap. Dahil doon matatanaw ng bata ang hirap ng buhay, pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang upang maihaon ang kanilang pamilya sa kahirapan. Na mag-aral ng maigi at hindi pag bubulakbol ang gagawain, at puro pasarap sa buhay.

Madami na din ako naging inspirasyon at nagsilbing gabay upang maabot ang aking pangarap, nakakatulong ito sa akin dahil  upang lalo kong pag pursigahan ang aking pangarap!

Ako'y isang bata, puno ng mga pangarap at hangarin sa buhay. Sana matupad ang aking pangarap at hindi lang hanggang dito sa aking pagsusulat sa natura kong blog site.

Saturday, December 28, 2013

Estudyanteng Babae sa Dyip!

Sa ngayon panahon, makikita natin madalang nalang ang mga lalaki na nagiging "GENTLEMAN", kung minsan pa nga walang respeto ang iba. Isinulat ko ito upang ipahiwatig o ipakita sa inyo ang aking mga nabasa o naranasan.Naisip ko ito isulat dahil, maraming kumukulit sa aking mga utak na, bakit ganoon? May ibang babae na mas gentleman pa yata o sabihin kong GENTLEWOMAN, haha! Mayroon kaya non? Teka teka nga, bakit ganoon ba? Isa yung sa mga pakay ko kung bakit ko ito, isinulat.


Habang ako ay nagiikot-ikot o nagtitingin-tingin sa aking "newsfeed", natunghayan ko ang isang estudyanteng babae, sa tingin ko nasa kolehiyo na siya, dahil nakauniporme siyang pang-eskwela tila nag-aaral sa kolehiyong paaralan. Nasisiyahan ako dahil sapagkat, minsan nalang ang may mga tao ganito na nag-aalay kung ano meron sila, nakakatuwa lang. Ganito kasi ang storya, nakasakay na siya jeep upang pumasok, nang may matandang babae sumakay sa dyip, ngunit wala ng bakanteng upuan. Ang masaklap dito, wala ni isang tao nakasakay sa dyip ang nag-alok ng upuan sa matandang babae, na kahit lalaki hindi na ata nahiya ialay ang kanilang upuan, di ba madalas naman ang mga lalaki sumasabit sa dyip pag wala ng maupuan sa dyip! Napagdesisyunan ng estudyanteng babae na ialok niya ang kanyang upuan, nang sa gayon makaupo na ang matandang babae, habang ang estudyanteng babae ay umupo kung saan ang akyatan ng dyip. At heto pa, nagparinig ang estudyanteng babae sa mga nakaupong lalaki na hindi man nag-alay ng kanilang upuan sa matanda.

Madalas nalang mayroong ganyan, ang mag-alay ng upuan sa matatanda, kung minsan pa nga babae ang gumagawa, Minsan makikita mo pa nga ang mga lalaki ang nakaupo sa silya.

Naranasan ko na ang mga ganyang senario, katulad sa simbang gabi namin nitong nakaraang araw lamang. Habang ako ay nakaupo sa silya, kasama ang aking nakakatandang kapatid, napukaw na aking mata ang isang matanda kasama ng hindi naman gaanong katandaan. Sinusundan ko siya ng aking mga mata, tila ba'ba ay naghahanap siya ng mauupuan dahil puno na ang mga upuan sa simbahan at halos wala na atang bakante. Handa ko na sana ialay ang aking upuan at ibigay sa matandang babae, pero huli na ang lahat nakahanap na siya ng upuan banda sa harap, pasalamat nalang at nakaupo na si lola.

Mapapansin din natin yan lalo na sa dyip, may makikita kang hindi gaanong katandaan nakatayo binabalanse ang kanilang katawan sa paggalaw ng sasakyan, minsan nga makikita mo pang nakaupo ang mga binatang lalaki. Kaya, Saludo ako sa estudyanteng babae na nag-alay na kanyang upuan.

Salubong... 2014! Bagong Taon, Bagong Buhay, Bagong Pag-Asa

Sa aking unang paggawa ng sariling artikulo, nais ko sa inyo ilahad ang aking unang paggawa ng artikulo. "Salubong 2014!" ang aking naisipan na pamagat, sapagkat malapit na ang bagong taon at malapit na natin ito salubungin. Ilalahad ko ito sa inyo upang, maipakita ko sa inyo ang aking opinyon sa natura kong artikulo.

Hay! Eto nanaman, sasapit na naman ang bagong taon, kay bilis ng panahon. Parang kailanman kakasampa ko lang sa baitang-walo,  sa araw-araw kong pagpasok sa aking eskwela, sa pag-upo sa aking silya, sa pagbuklat ng aking mga libro at pagbabasa, pagkinig sa aking guro umaga hanggang hapon, Hindi ko na pala namalayan na ang bilis ng araw at oras. Tingnan mo nga naman, magbabagong-taon na, kay bilis nga naman ng panahon. Eto na tayo sasalubungin na natin ang taong 2014, sabay-sabay tayo sasalubungin ang Bagong Taon! Sa pagsapit ng ika-labindalawang ng umaga, Huwebes, ating sasalubungin ang Taong 2014. 

Naku, Bagong Taon na! Para sa mga tao ang taong 2014, ay Bagong BUHAY at BAGONG PAG-ASA. 

Bagong buhay at Bagong Pag-asa, ang isa sa akin layunin para sa aking artikulo, Marahas sa aking napapansin marami sa ibang tao ang gusto mag-bago ang buhay, Sino ba naman ang ayaw magbagong buhay sa tuwing sasapit ang bagong taon, di ba? Marami pa din sa atin ang gustong makalimutan ang mga nangyari sa nakaraang taon, mga pait o sakit na kanilang mga naranasan, o di kaya sa pagkakataon na pangyayari hindi maganda para sa kanila. Sa tingin ko kahit mga kriminal gusto na din nila magbagong buhay at kalimutan ang mga nangyari sa nakaraang taon, mga kasanalang ginawa nila sa mga kapwa nila. At ang pinaka tumatak sa aking sarili ay ang nangyari sa Visayas, kung saan hinagupit ito ng malakas na bagyo, kung saan maraming pamilya ang naapektuhan, walang makain, walang masilungan. At higit pa dito, may mga pamilya na din nawalan ng miyembro ng pamilya. Ngunit, nakapukaw pansin sa aking mga mata ang mga bansang tumulong sa Visayas, na makaahon sa trahedyang sinapit, mabigyan ng bagong PAG-ASA. Sa tingin, ko sila dapat mabigyan ng bagong PAG-ASA at ng Bagong Buhay. Kaya sa dadating na Bagong Taon, 2014, ang iisang hiling ko sa mga taga-Visayas ay  sana makaahon na sila sa trahedyang sinapit, at makapagsimula ng matiwasay.

Iba-iba ang mga paraan ng Pilipino upang magbago ng buhay, sa mga ganitong paraan, ang iba ay gumagawa ng New Year's Resolution, kayo ba gumagawa nito? Sa tingin ko naman, depende na yun sa tao kung gusto niya talaga mag-bagong buhay, minsan pa nga hindi ito nasusunod, kusa nalang dumadating sa kanilang buhay ng gusto na pa nila mag-bagong buhay! Iba naman, sa ganitong paraaan nagpapagupit sila na kanilang mga buhok o magbago ng istilo, ang sabi kasi ng iba kaya nagbabago ng istilo ang isang tao, dahil gusto nila makalimutan ang mga hindi magagandang nangyayari, o sa ibang paraan naman kaya ay nagbabago sila ng kanilang istilo sapagkat, gusto nila magsimula ng bago Iba-iba ang mga paraan ng mga tao upang magbago. 

Kung magbabalik tanaw tayo sa Taong 2013, maraming mga pangyayari ang naganap at tumatak sa ating isipan. Mga magandang pangyayari na naganap sa ating bansa, katulad ng mga naging kampeon sa larangan ng sports nadyan ang Basketball, Volleyball o iba pang mga sports. Nadito din ang mga ating magagandang dilag ng ating Pilipinas, kung saan sumali sila sa mga iba't ibang paligsahan tulad ng mga "Beauty Pageant", nadyang ang pagkapanalo ni Megan Young sa Ms. World, Ang pagkapanalo ni Bea Rose Santiago sa Miss International, at ni Ariella Arida kung saan nagwagi siya ng 3rd tittle sa Ms. Universe, at iba pa. Kaya nga sabi sa isang patalastas ng Newstv. ang 2013 ang isa dapat sa mga ating idaos, dahil maraming mga alaala ang naiwan sa mamayang Pilipino, mga aral na ating natutunan.

Bagong Taon na sabay-sabay natin salubungin ang Bagong taon, ng may kasamang Bagong Pag-asa at ng pangarap. Maligayang Bagong Taon sa inyo!

 

Mensahe sa Mga Mambabasa:

Sa aking paggawa ng aking sariling artikulo o blog, nais ko sa inyong ipaliwanag o ikwento kung bakit nais kong gumawa ng aking sariling article o blog.

Unang-una hindi ko talaga nais gumawa ng sariling blog o di kaya article, basta-basta nalang ako idinala ng aking imahinasyon na gumawa ng arictle o blog, Na magtulak sa akin na gumawa o ipahayag ang aking sarili o opinyon sa ibang tao sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang aking plano talaga ay gumawa lamang sa aking kwaderno ng mga pangungusap, kung saan doon ko isusulat ang aking mga pangarap, tungkol sa aking sarili, mga opinyon ukol sa ating bansa, o iba pa. Naisipan ko  magsulat dahil gusto ko pang paghusayan ang paggawa ng pangungusap o palalinimin ang aking salita ng sa gayon, sa aking pagpasok sa 2014 maayos na aking pangunugsap, at hindi na pamali-mali. Ngunit hindi pa huli, bigla nalang pumasok sa aking isipan na gumawa ng article o blog sa Internet, na dapat hanggang sa kwaderno ko lang. Madami na din akong nabisitang blog o nabasa tungkol sa kanilang buhay o mga opinyon nila ukol sa mga nangyayari sa ating bansa. Nabasa ko din ang tungkol sa mga pangarap ng bawat tao, may iba din may mga gumagawa ng artikulo sa larangan ng sports, mga nangyayari sa kanilang kapaligiran o hindi din kaya sa kanilang mga karanasan. Iba-iba na din ang aking nabasa, natutuwa nga ako dahil marami akong natutunan sa aking mga binabasa, may mga nakukuha din ako mga iba’t ibang malalim na salit na hindi ko pa nababasa o naibabanggit, kaya nagtulak na din sa  aking sarili na gumawa ng sariling artikulo o blog. Nais kong gumawa nito dahil ng sa gayon mailahad ko ang aking mga opinyon. Lalo na sa larangan ng sports.
Kaya halina’t at tunghayan niyo po  ang aking mga susunod na artikulo sa aking blog. Maraming Salamat po!