Mensahe sa Mga Mambabasa:
Sa aking paggawa ng aking sariling artikulo o blog, nais ko
sa inyong ipaliwanag o ikwento kung bakit nais kong gumawa ng aking sariling
article o blog.
Unang-una hindi ko talaga nais gumawa ng sariling blog o di
kaya article, basta-basta nalang ako idinala ng aking imahinasyon na gumawa ng
arictle o blog, Na magtulak sa akin na gumawa o ipahayag ang aking sarili o opinyon
sa ibang tao sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang aking plano talaga ay gumawa
lamang sa aking kwaderno ng mga pangungusap, kung saan doon ko isusulat ang aking mga pangarap, tungkol sa
aking sarili, mga opinyon ukol sa ating bansa, o iba pa. Naisipan ko magsulat dahil gusto ko pang paghusayan ang
paggawa ng pangungusap o palalinimin ang aking salita ng sa gayon, sa aking
pagpasok sa 2014 maayos na aking pangunugsap, at hindi na pamali-mali. Ngunit
hindi pa huli, bigla nalang pumasok sa aking isipan na gumawa ng article o blog
sa Internet, na dapat hanggang sa kwaderno ko lang. Madami na din akong
nabisitang blog o nabasa tungkol sa kanilang buhay o mga opinyon nila ukol sa
mga nangyayari sa ating bansa. Nabasa ko din ang tungkol sa mga pangarap ng
bawat tao, may iba din may mga gumagawa ng artikulo sa larangan ng sports, mga
nangyayari sa kanilang kapaligiran o hindi din kaya sa kanilang mga karanasan.
Iba-iba na din ang aking nabasa, natutuwa nga ako dahil marami akong natutunan
sa aking mga binabasa, may mga nakukuha din ako mga iba’t ibang malalim na
salit na hindi ko pa nababasa o naibabanggit, kaya nagtulak na din sa aking sarili na gumawa ng sariling artikulo o
blog. Nais kong gumawa nito dahil ng sa gayon mailahad ko ang aking mga
opinyon. Lalo na sa larangan ng sports.
Kaya halina’t at tunghayan niyo po ang aking mga susunod na artikulo sa aking
blog. Maraming Salamat po!
Merkur Futur Adjustable Safety Razor - Sears
ReplyDeleteMerkur Futur 출장안마 Adjustable https://septcasino.com/review/merit-casino/ Safety Razor is febcasino.com the perfect balance of performance, safety, and comfort. novcasino Made in Solingen, Germany, this razor has a jancasino perfect balance of