Hay! Eto nanaman, sasapit na naman ang bagong taon, kay bilis ng panahon. Parang kailanman kakasampa ko lang sa baitang-walo, sa araw-araw kong pagpasok sa aking eskwela, sa pag-upo sa aking silya, sa pagbuklat ng aking mga libro at pagbabasa, pagkinig sa aking guro umaga hanggang hapon, Hindi ko na pala namalayan na ang bilis ng araw at oras. Tingnan mo nga naman, magbabagong-taon na, kay bilis nga naman ng panahon. Eto na tayo sasalubungin na natin ang taong 2014, sabay-sabay tayo sasalubungin ang Bagong Taon! Sa pagsapit ng ika-labindalawang ng umaga, Huwebes, ating sasalubungin ang Taong 2014.
Naku, Bagong Taon na! Para sa mga tao ang taong 2014, ay Bagong BUHAY at BAGONG PAG-ASA.
Bagong buhay at Bagong Pag-asa, ang isa sa akin layunin para sa aking artikulo, Marahas sa aking napapansin marami sa ibang tao ang gusto mag-bago ang buhay, Sino ba naman ang ayaw magbagong buhay sa tuwing sasapit ang bagong taon, di ba? Marami pa din sa atin ang gustong makalimutan ang mga nangyari sa nakaraang taon, mga pait o sakit na kanilang mga naranasan, o di kaya sa pagkakataon na pangyayari hindi maganda para sa kanila. Sa tingin ko kahit mga kriminal gusto na din nila magbagong buhay at kalimutan ang mga nangyari sa nakaraang taon, mga kasanalang ginawa nila sa mga kapwa nila. At ang pinaka tumatak sa aking sarili ay ang nangyari sa Visayas, kung saan hinagupit ito ng malakas na bagyo, kung saan maraming pamilya ang naapektuhan, walang makain, walang masilungan. At higit pa dito, may mga pamilya na din nawalan ng miyembro ng pamilya. Ngunit, nakapukaw pansin sa aking mga mata ang mga bansang tumulong sa Visayas, na makaahon sa trahedyang sinapit, mabigyan ng bagong PAG-ASA. Sa tingin, ko sila dapat mabigyan ng bagong PAG-ASA at ng Bagong Buhay. Kaya sa dadating na Bagong Taon, 2014, ang iisang hiling ko sa mga taga-Visayas ay sana makaahon na sila sa trahedyang sinapit, at makapagsimula ng matiwasay.
Iba-iba ang mga paraan ng Pilipino upang magbago ng buhay, sa mga ganitong paraan, ang iba ay gumagawa ng New Year's Resolution, kayo ba gumagawa nito? Sa tingin ko naman, depende na yun sa tao kung gusto niya talaga mag-bagong buhay, minsan pa nga hindi ito nasusunod, kusa nalang dumadating sa kanilang buhay ng gusto na pa nila mag-bagong buhay! Iba naman, sa ganitong paraaan nagpapagupit sila na kanilang mga buhok o magbago ng istilo, ang sabi kasi ng iba kaya nagbabago ng istilo ang isang tao, dahil gusto nila makalimutan ang mga hindi magagandang nangyayari, o sa ibang paraan naman kaya ay nagbabago sila ng kanilang istilo sapagkat, gusto nila magsimula ng bago Iba-iba ang mga paraan ng mga tao upang magbago.
Kung magbabalik tanaw tayo sa Taong 2013, maraming mga pangyayari ang naganap at tumatak sa ating isipan. Mga magandang pangyayari na naganap sa ating bansa, katulad ng mga naging kampeon sa larangan ng sports nadyan ang Basketball, Volleyball o iba pang mga sports. Nadito din ang mga ating magagandang dilag ng ating Pilipinas, kung saan sumali sila sa mga iba't ibang paligsahan tulad ng mga "Beauty Pageant", nadyang ang pagkapanalo ni Megan Young sa Ms. World, Ang pagkapanalo ni Bea Rose Santiago sa Miss International, at ni Ariella Arida kung saan nagwagi siya ng 3rd tittle sa Ms. Universe, at iba pa. Kaya nga sabi sa isang patalastas ng Newstv. ang 2013 ang isa dapat sa mga ating idaos, dahil maraming mga alaala ang naiwan sa mamayang Pilipino, mga aral na ating natutunan.
Bagong Taon na sabay-sabay natin salubungin ang Bagong taon, ng may kasamang Bagong Pag-asa at ng pangarap. Maligayang Bagong Taon sa inyo!
No comments:
Post a Comment