Marami na tayo nababasa na mga artikulo tungkol sa mga "Pangarap", iba-iba ang kanilang mga hangarin o prinisipyo sa kanilang buhay, May mga iba't ibang paraan sila ng paglikha o paglalahad ng kanilang damdamin tungkol sa kanilang buhay o di kaya sa kanilang pangarap o hangad. Di kaya, mababasa mo o makakatunghay ka ng blog kung paano nila naabot ang kanilang pangarap at kung nasaan na sila ngayon. Minsan pa nga makakapulutan mo ng mga aral sa buhay, naabot nila ang kanilang aral dahil sa kanilang pagtitiyaga at pagsisikap.
Sabi ka ng aking pinakamamahal na Ina, maabot mo ang iyong pangarap kung magsisikap at pagtatrabahon ito mo ng maigi, dapat hindi lang lagi ikaw ay nakaupo at tatamad, dahil walang mangyayari sa buhay mo. Lagi ko naman ito itinatanim sa isip ko, ngunit minsan may mga panahon akong nakakaramdam ng kabiguan.
Isinulat ko ito dahil gusto ko ihayag, ang aking pakiramdam tungkol sa aking mga pangarap. Gumawa ako na-blog upang magbigay ng opinyon o isulat ang aking nararamdaman, hindi ko ito ilalahad ng may pagmamayabang, kung saan isinulat ko ito ng may buong puso.
Bago ko ito simulan, nais kong magpakilala sa inyo, Ako si Sophia o mas kilala sa tawag na Phia, ako ay labintatlong gulang. Alam ko masyado pa akong bata upang maglahad o gumawa ng mga artikulo, hindi naman masama kung ito ay aking susubukan, dahil nakikita ko naman itong masaya at makakatulong sa akin. Nahiligan ko ito dahil alam ko nakakatulong ito sa akin upang mas paintigin ko pa ang paggawa ng mahahabang pangungusap o makatuklas ng bagong malalalim na salita. Sa ngayon, ako'y nag-aaral sa pribadong paaralan sa Dasmariñas, Cavite, ikawalong baitang, sa Saint Francis Academy La Salle Greenhills Supervised. Isa sa aking mga pangarap ay maging isang volleyball player pagdating ng kolehiyo, pero sa naturang kurso, hindi ko pa naiisipan kung anong kurso ang aking kukuhanin pag ako ay nag kolehiyo masyado pa akong bata upang mag-isip ng kurso dahil ilang taon pa ako sa secondarya. Marami pa ako maiisip na kurso na pwede sa akin, Pero pangarap ko din maging isang negosyante,tulad ng kursong "Entrepreneur", Isa din sa aking mga pangarap ang mag patayo ng sariling kainan o restaurant o di kaya ay pastry shop, ito kasi ang isa kong mga pangarap na makapagpatayo ng cake o di kaya ng cupcake shop, ito din kasi sa mga pangarap ng nakakatanda kong kapatid, na makapagnegosyo ng pastry shop. Ito din kasi ang mga libangan ngayon ng aking pinakamamahala na Ina, kaya pag ako'y nakapagtapos sa pag-aaral iaalay ko ito sa aking ina, ang pastry shop business.
Hindi lang ang pangarap ko ay ang pagiging businesswoman, dumating din sa aking isipan ang pagiging sundalo o piloto, o di ba babaeng sundalo! nagugulat nga aking mga kamag-aral, magsusundalo ka? Tila gulat sila sa aking pangarap sapagkat ang isang babae ay magsusundalo, minsan pag sinasabi ko ito, tatanungin ako ng mga kaibigan ko o kamag-aral Seryoso ka magsusundalo ka?, minsan nga tatawanan pa nila ako, pero sa isip isip ko, bakit ba? Ito ang aking pangarap, makakatulong naman ako sa ibang tao. Ito ang aking pangarap simula pagkabata, sapagkat gusto ko makatulong o magbigay serbisyo sa tao. Nasisiyahan nga ako sa tuwing may mga eroplano nagpapalipad sa himpapawid. Isang araw, sumagi sa aking isipan na, paano kaya kung ako yung nagpapalipad ng eroplano. Siguro madadala ko na ng libre ang aking mga magulang at kapatid sa ibang bansa o di kaya maipasyal ko sila sa magagandang lugar.
Pero teka-teka, nagbago na nga ang aking pangarap, tila mas gusto ko yata maging isa sa mga kilalang entrepreneur sa ating bansa, pero matagal pa iyon mangyayari.Sa ngayon, kailangan ko munang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng mataas na grado o marka sa eskwelahan.
Naging inspirasyon ko sila mama at papa, sapagkat, magandang halimbawa sila sa akin. Kahit ano man dagok ng buhay, mga problema, nalalagpasan nila ito. Nakikita ko sila kung paano sila naghihirap sa tuwing sila ay nagtratrabaho upang mapag-aral lang kami sa magandang eskwela, kung kaya't ang paghihirap nila ay naging silbing inspirasyon ko upang maabot ang aking mga pangarap at magpursigi sa pag-aaral. Mga bawat sambi't ng mga salita ng aking ina lagi itong itinatatak sa aking utak na kailangan ko makapagtapos ng pag-aaral dahil ito ang aking paaran upang masuklian ang mga dugo't pawis ng aking mga magulang sa pagtratrabaho upang makapag-aral kami ng maigi. Kaya nga kanilang paghihirap ay nagsilbing inspirasyon ko, kung bakit nila ito ginagawa para sa amin.
May mga napanood na din ako ng katulad nito, ganitong storya, doon ko nakapulutan ng aral. Kung saan pamilya din sila. Sabi nga ng iba maganda daw dumaan ang bata sa paghihirap. Dahil doon matatanaw ng bata ang hirap ng buhay, pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang upang maihaon ang kanilang pamilya sa kahirapan. Na mag-aral ng maigi at hindi pag bubulakbol ang gagawain, at puro pasarap sa buhay.
Madami na din ako naging inspirasyon at nagsilbing gabay upang maabot ang aking pangarap, nakakatulong ito sa akin dahil upang lalo kong pag pursigahan ang aking pangarap!
Ako'y isang bata, puno ng mga pangarap at hangarin sa buhay. Sana matupad ang aking pangarap at hindi lang hanggang dito sa aking pagsusulat sa natura kong blog site.
No comments:
Post a Comment