Monday, December 30, 2013

Mga Inspirasyon sa paglalaro ng Volleyball

Ang larangan ng sports ay naging parte na ng buhay ng mamamayang Pilipino, na naging silbing libangan ng mga nakakaraming Pilipino, at hindi lamang ito sa ating bansa, kung di buong mundo. Isa sa mga popular na sports ngayon sa ating bansa, ay ang Basketball kung saan maraming mga Pilipino ang nasisiyahan sa tuwing sila'y nanonood. Kung mapapansin mo ang kilalang liga dito sa ating bansa ay ang PBA League, kung saan marami ang Pilipino ang nanood o di kaya matunghayan ang kanilang mga idolo.Mapapansin mo sa tuwing ika'y manonood maraming mamayang Pilipino ang may sari-sariling paboritong manok o koponan sa liga.

Pero hindi lamang ang Basketball ang ngayong kilalang sports sa ating bansa. Nadyan ang Volleyball, kung saan umusbong ang pagsikat na naturang sports, marami na din ang mga taong nanonood upang matunghayan nila ang kanilang paboritong koponan o di kaya ang kanilang mga idolo  na nagsilbing inspirasyon sa kanila. UAAP Women's Volleyball ang naturang liga na kilala sa atin ngayon, kung saan mga kakabaihan ang nagpapakita ng kanilang kalakasan sa mundo ng sports. Isinulat ko ito dahil gusto ko ilabas ang aking saloobin sa naturang sports o kaya ay aking naging karanasan.


Kung ako tatanungin niyo, kung ano ang aking paboritong koponan sa UAAP Women's Volleyball?Isa sa aking paborito o nagsilbing inspirasyon ko sa paglalaro ng volleyball ay ang DLSU Lady Spikers, sinimulan ko sila maging isang inspirasyon noong sinubukan kong manood sa telebisyon ng Volleyball. Pero noong unang-una na ang aking napapanood ay ang Shakey's V-League tuwing sasapit ang tag-init, sinumulan ko ito panooring dahil libangan lamang at may bago lang ako panoorin. Hindi ko namalayan na  dinala na pala ko ng aking isipan na maglaro ng volleyball hanggang sa mapanood ko ang UAAP Volleyball, kung saan nakita ko ang koponan ng La Salle at kalaban nila ang UST noong First Round Elimination ng UAAP Season 75, simula noon doon ko na sila sinimulan panoorin at maging inspirasyon. Dati ayaw ko pa sa Volleyball, dahil nga takot ako sa bola, pero noong sinubukan ko ito noong first year ako, masaya naman pala at masarap laruin. 

Simula noong napanood ko ang UAAP Volleyball, lalo na ang La Salle, doon ko sinabi sa aking ina, na gusto ko matuto ng volleyball at maging manlalaro nito. Lagi ko nga sinasabi sa kanila, na gusto ko maging katulad nila Mika Reyes, Ara Galang at Abi Marano , na isa sa mga miyembro ng Lady Spikers, Isa sila sa mga naging inspirasyon ko at idolo hanggang sa kasalukuyan at kung bakit gustong-gusto ko maging manlalaro ng Volleyball. Naging inspirasyon ko sila dahil, makikta mo ang tunay na manlalaro o pagiging atleta ng Volleyball, tulad ng pagiging matapang nila at palaban sa loob ng court tuwing sila ay may laban. Hindi sila mayabang at lagi silang humble sa kanilang sarili. Sabi nung mga iba ay mayabang sila pero ang totoo ay hindi, kasi sa aking napapansin siguro natural na iyon ang pag-aangas sa loob ng court, dahil parte na yun ng laro. 

At dahil, sa sobra kong paghanga sa kanila, pinilit ko ang aking ina na makapanood last year na kanilang laro, pero sa kasamaang-palad naubusan na kami ng ticket. Kaya noong nakaraang December 8, 2013 Sunday, natunghayan ko ang kanilang laban sa pagitan ng UST. Tuwang-tuwa ako dahil sa unang pagkakataon nakita ko na aking mga idolo sa larangan ng Volleyball.

The DLSU Lady Spikers at San Juan Arena (12/8/13)

Kung sa indibidwal naman ang aking paboritong manlalaro at naging silbing inspirasyon sa akin, ay si Ate Abigail Marano. Makikita mo sa kanya ang kumpyansa sa sarili, at hindi basta-basta pagsuko, kaya nga ang kataga sa kanyang mga tagahanga niya ay "Never say no to Abi Marano". Mapapansin mo din kay Ate Abi ang pagiging magaling at mabait na lider niya sa team, makikita mo talaga ang tunay na pagiging leader hindi lamang sa loob at labas ng court. Makikita mo din kay Ate Abi ang pagiging humble at palakaibigan sa kapwa manlalaro niya. Kaya ko siya naging idol dahil lahat ay nasa kanya ang tunay na ugali ng manlalaro. Pero gragraduate na si Ate Abi sa darating na March, nakakalungkot nga lang dahil mamimiss ko sa kanya ang pagiging maangas niya sa loob ng court. Ang pagiging tunay na lider, at ang mga kanyang mga malalakas na palo at block sa bola.

Abigail Marano ( Credits mula sa spin.ph)

Hindi lamang isa ang aking idolo mula sa Lady Spikers, Ang susunod na aking idolo ay si Ara Galang. Naging idol ko siya at inspirasyon sa paglalaro ng Volleyball, dahil sa tuwing siya ay pumapalo ng bola ay nagpagkalakas. Hindi lamang siya ay magaling pumalo ng bola, masasabi ko siya ay pang all-around player dahil sa lahat ng departamento ng volleyball ay magaling siya, mapapunta man sa digging, attacking, blocking, at serving. Isa din sa aking mga nagustuhan kay Ate Ara, ang pagiging humble niya sa loob ng court, sa tuwing siya ay nakakapuntos sa kalaban, lagi siya ngumingiti pagkatapos makapuntos. Makikita mo sa kanyang mga mata ang determinasyon ang mapanalo ang bawat panalo. Kung sa labas ng court si Ate Ara, ay isang palakaibigan na manlalaro, wala sa kanya kung saanman nagaling na unibersidad. 

The Rookie to MVP, Ara Galang.  (Credits mula sa may-ari)
Sa aking susunod na idolo, ay si Mika Reyes, isa siya sa mga idolo at inspirasyon ko pagdating sa paglalaro ng volleyball. Isa siya sa maraming mga tagahanga, dahil sa kanyang galing maglaro ng volleyball. Masasabi ko si Ate Mika ang magaling sa blocking ngayon sa liga, UAAP Season 76, kasama si Ate Abi. Isa aking mga nagustuhan kay Ate Mika ay kanyang angas sa loob ng court dahil sa tuwing siya ay nakakablock o nakakapuntos lumalabas ang kanyang angas o swag. Mapapansin mo ang pagtitiyaga ni Ate Mika at pagpupursigi upang manalo sa bawat laro. Sipag at tiyaga.

The Cutest Volleyball Player, Mika Reyes. ( Credit to Ms. Tin Benito)

Marami ng mga kabataan ngayon ang naging inspirasyon ang koponan ng Lady Spikers. Syempre kasama na ako doon. Makikita mo sa kanila ang tiyaga, pagod at kumpyansa sa sarili. ANIMO!








No comments:

Post a Comment